Юридическая документация для Samsung SM-R360
699
End User License Agreement (Filipino)
Basahing maigi ang End User License Agreement (ang ―Kasunduan‖) na ito bago gamitin ang mga
device na gawa ng Samsung o mga may-tatak na nasusuot na device gaya ng Gear at Gear Fit
series (sama-samang, ―Nasusuot na Device‖) at/o mga manager application ng nasusuot na device
ng Samsung (sama-samang, ―Manager‖) dahil naglalaman ito ng importanteng impormasyon.
Ang Kasunduan na ito ay isang legal na kasunduan sa pagitan mo (maging isang indibidwal o
isang entidad) at ng Samsung Electronics Co., Ltd. (―Samsung‖) para sa software, na pag-aari ng
Samsung at ng mga kasosyo nitong kompanya at mga third party supplier at licensor nito, na
kaakibat ng Kasunduang ito, kung saan kasama ang software at kaugnay na media, nakalimbag na
babasahin, ―online‖ o elektronikong dokumento kaugnay ng paggamit mo sa Nasusuot na Device
at/o sa Manager (sama-samang ―Software‖).
Ang Manager ay isang software program para ikonekta ang mobile device (ang ―Device‖) mo sa
Nasusuot na Device at magbigay-daan sa iyo na pamahalaan, kontrolin o i-update ang software
ng Nasusuot na Device sa pamamagitan ng Device. Kailangan ng Nasusuot na Device na gumamit
ng naka-preload na software sa normal nitong operasyon. Sa paggamit ng Nasusuot na Device,
sa Manager o sa naka-preload na software, tinatanggap mo ang mga takda ng Kasunduang ito.
Kung hindi mo tinatanggap ang mga takdang ito, huwag gagagmitin ang Nasusuot na Device,
ang Manager o ang naka-preload na software nito.
1. Pagkaloob ng Lisensya
Alinsunod sa mga takda at kondisyon ng Kasunduang ito, pinagkakalooban ka ng limitado at
hindi eksklusibong, nababawing lisensya na mag-install, gumamit, mag-access, magpakita at
magpatakbo ng isang kopya ng Manager sa isang Nasusuot na Device. Hindi mo maaaring
gawing makukuha ang Manager mula sa isang network kung saan maaaring gamitin ito ng
maraming Nasusuot na Device nang sabay-sabay.
Ang ilang item ng Software ay maaaring napapailalim sa mga open source na lisensya. Maaaring
masapawan ng mga probisyon ng lisensya sa open source ang ilang takda ng Kasunduang ito.
2. Paglalaan ng Karapatan at Pag-aari
Pinanghahawakan ng Samsung ang lahat ng karapatan na hindi hayagang ipinagkaloob sa iyo sa
Kasunduang ito. Ang Software ay protektado ng copyright at iba pang batas sa pag-aaring
intelektuwal at mga kasunduan. Pag-aari ng Samsung ang pangalan, copyright at iba pang
karapatan sa pag-aaring intelektuwal na nasa Software. Ang Software ay nakalisensya, hindi
ibinenta.
3. Paghihigpit sa Lisensya